Tuesday, August 25, 2009

Ang Aking kaibigan

Ako ay may kaibigan
Sa twina ay maaasahan
Kahit anong oras, sya'y maaasahan
At hindi nang-iiwan

Sa aking pangangailangan
Sya ang aking katugunan
Sa lahat ng kagipitan
Sya ang aking sandigan

Sa oras ng aking pangangailangan
Naroon sya kung aking tatawagan
At kahit sa oras pa ng kahinaan,
Sa piling niya'y mayroong kalakasan

Sa bawat araw sya'y hindi nagbabago,
Lagi syang tapat sa pangako
Sya ang hanap-hanap kong kaibigan,
Sa lahat ng oras maaaring lapitan..

Kaibigan mag-pakailan man.



Hindi ko alam ang aking gagawin
Sa mga problimang dapat kong harapin
Dito sa mundong aking ginagalawan
Hindi ko na alam ang aking kalagayan

Buhay na para bang gulong
Pangarap kong wari ay hinhi na maisulong
Kaya ako'y nangangailangan ng yong tulong
Pagkat kasama ka'y di ako uurong

Kaibigan sa hirap man o ginhawa
Ikaw lang lagi ang kasa-kasama
Sa bawat pagkakatao'y laging nariyan ka
At sa kabigua'y kaagapay ka!

Ikaw na Umuunawa
Umaaliw sa bawat kalungkutang nadarama
Sa iyo, damdamin koy maikukubli
Alam na alam 'pag puso ko'y may kaunting pagkakamali

Hindi nga maiiwasan ang tampuhan
Sa mga bagay na hindi pinagkakasunduan
Ngunit itoy agad nag-wawakas sa matinding iyakan,
Yakapan, tawanan at sumpang magsasama kailan man..