Tuesday, October 13, 2009

Tuesday, September 15, 2009

Kaibigan

Noong tayo'y unang nagkita,
Saka rin tayo nagkakilala,
Pag tatagpo ay masaya,
Ang lahat aya doon nag-umpisa.

Sa atin laging pagkikita,
Naging malapit tayo sa isat-isa,
Mabuti ka palang kakilala,
Kaya tumagal pa sana ang ating pagsasama.

Nang dumating ka sa buhay ko,
Nagkataong may problima ako,
Kaya pinayuhan at tinulungan mo,
Salamat... talagang ikay kaibigan ko.

Kaibigan... salamat sayong kabutihan,
Asahan mong maging tunay akong kaibigan,
Sa uras ng iyong kalungkotan,
Akoy laging dumaramay, ikay laging tutulongan.

Kaibigan, pag-aaral moy pagbutihin,
Mga problema'y huwag mong intindihin,
"Hindi ko Kaya" huwag mong sabihin,
Sa pagtitiis may gantimpalang darating.

Kaibigan.. sanay di ka magbabago,
Sa tuwing babasahin mo ang tulang ito,
Alalahanin mong ang may gaway ako,
At ito ay tanging handog ko sayo.

Balang Araw kaibigan,
Saan kaman ay tandaan,
Mananatili kang aking kaibigan,
Tagumpay mo'y aking kaligayahan.

Bulong ng Damdamin

Isang baguhan walang kakilala,
Nag-iisa sa sulok, na parang tanga.
Walang paki sa mundo,laging nakatunganga,
Kahit tinutokso, di alinta,
Walang pumapansin walang gustong makisama,


Ngunit isang araw akoy pinansin mo,
Di ko akalain, ngunit ito'y tutuo,
Inalam ang aking pangalan,
At lugar na aking pinanggalingan,
At sinabing "sanay tayo'y maging magkaibigan".


Simula noon mundo koy nag-iba
Araw ay naging makulay, maghapon ko'y sumaya
Laging nandyan ka,sa aki'y nagpapatawa
Mga bad moods ko, iyong iniinda,
Sa mga problima ko'y laging nariyan ka.

Sa mga mang-aapi, akoy iniligtas mo,
Sa mga projects, ikaw ang kaakibat ko,
Kahit sa mga assignment, nakahanda kang tumuro,
Pag nalulungkot ako'y pinapasaya mo,
Pag gustong bumigay, nandyan ka pinapalakas loob ko,
Mga kasungitan ko'ybukas palad na tinatanggap mo.


At ngayon kay lungkot isispin,
Ilang sandali nalang, itong mundoy ating lilisanin,
At marahil di na tayo magkikita.

Ngunit nais kong malaman mo,
Sa mga sandaling ito,
Akoy nagpapasalamat sa mga kabutihan mo,
Ikay mananatili dito sa puso ko.

Sana kahit saan kaman dalhin ng kapalaran,
Isipin mo lagi at iyong pakatandaan,
Masayang sandali, at bakas ng kaligayahan,
Na ating pinagsaluhan sa bawat sulok nitong paaralan,
Salamat kaibigan, Maligayang pagtatapos..... at Paalam..

Tuesday, August 25, 2009

Ang Aking kaibigan

Ako ay may kaibigan
Sa twina ay maaasahan
Kahit anong oras, sya'y maaasahan
At hindi nang-iiwan

Sa aking pangangailangan
Sya ang aking katugunan
Sa lahat ng kagipitan
Sya ang aking sandigan

Sa oras ng aking pangangailangan
Naroon sya kung aking tatawagan
At kahit sa oras pa ng kahinaan,
Sa piling niya'y mayroong kalakasan

Sa bawat araw sya'y hindi nagbabago,
Lagi syang tapat sa pangako
Sya ang hanap-hanap kong kaibigan,
Sa lahat ng oras maaaring lapitan..

Kaibigan mag-pakailan man.



Hindi ko alam ang aking gagawin
Sa mga problimang dapat kong harapin
Dito sa mundong aking ginagalawan
Hindi ko na alam ang aking kalagayan

Buhay na para bang gulong
Pangarap kong wari ay hinhi na maisulong
Kaya ako'y nangangailangan ng yong tulong
Pagkat kasama ka'y di ako uurong

Kaibigan sa hirap man o ginhawa
Ikaw lang lagi ang kasa-kasama
Sa bawat pagkakatao'y laging nariyan ka
At sa kabigua'y kaagapay ka!

Ikaw na Umuunawa
Umaaliw sa bawat kalungkutang nadarama
Sa iyo, damdamin koy maikukubli
Alam na alam 'pag puso ko'y may kaunting pagkakamali

Hindi nga maiiwasan ang tampuhan
Sa mga bagay na hindi pinagkakasunduan
Ngunit itoy agad nag-wawakas sa matinding iyakan,
Yakapan, tawanan at sumpang magsasama kailan man..